Naniniwala ang Department of Justice (DoJ) na makakabawas sa heinous crime sa bansa ang pagpapanumbalik ng death penalty.
Reaksiyon ito ni Justice Sec. Menardo Guevarra, kasunod ng naging panawagan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa kongreso na ibalik na ang parusang kamatayan para sa mga sangkot sa karumaldumal na krimen partikular na ang iligal na droga at pandarambong.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, bagamat mahirap mabilang ang mga krimen na hindi ginawa dahil sa takot sa detah penalty ay kumpiyansa naman ito na ang sino mang ordinaryong tao na nagbabalak gumawa ng masama ay magdadalawang isip kung mayroong parusang kamatayan sa gumagawa rito.
Samantala nilinaw din ng kalihim na nakasaad sa constitution na may kapangyarihan ang kongreso na magpataw ng death penalty sa tamang kadahilanan lalo na sa mga gumagawa ng karumaldumal na krimen.