-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang pag-rescue ng mga otoridad matapos ang pagbagsak ng isang helicopter sa New York City.

Ayon sa mga otoridad , nagulat na lamang ang maraming tao ng makitang biglang bumagsak ang helicopter sa Hudson River.

Matapos ang ilang minuto ay mabilis na lumubog sa ilog ang bumagsak na helicopter.

Base sa imbestigasyon na bumagsak sa bahagi ng Pier 25 sa pagitan ng West Street at Canal Street ang helicopter pasado alas- tres ng hapon oras doon.

Mayroong dalawang katao ang nakuha ng mga rescuers kung saan hindi pa tiyak ng mga otoridad kung ilan ang sakay nito.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng pagbagsak ng helicopter.