-- Advertisements --
Bumagsak ang helicopter na sinasakyan ni Iranian President Ebrahim Raisi at ang kaniyang foreign minister.
Galing umano ang helicopter sa border ng Azerbaijan kung saan naganap ang aksidente sa bulubunduking bahagi ng lugar.
Mayroong binuksang proyekto ang Iranian President na Qiz-Qalasi Dam na isang joint project nila.
Umaasa ang mga rescuers na walang anumang malubhang nangyari sa Iranian President at Foreign Minister Hossein Amirabdollahian.
Malaking hamon rin sa mga rescuers ang sama ng panahon.
Ang 63-anyos na Iranian President ay nahalal sa puwesto sa ikalawang pagtatangka nito noong 2021.