-- Advertisements --

Walang anumang problema ang makina ng bumagsak na helicopter na sinakyan ng NBA star Kobe Bryant kasama ang anak nitong si Gianna at pitong iba pa.

Sa inisyal na imbestigasyon na inilabas ng National Transportation Safety Board, na hindi nagkaroon ng problema ang makina ng nasabing helicopter.

Isang ebidensiya dito ay may mga nakita silang mga naputol na punong kahoy sa lugar kung saan bumagsak ang helicopter.

Mayroong taas na 127 talampakan ang kinabagsakan ng nasabing helicopter.

Base rin sa Southern California Terminal Radar Approach Control (SCT) na umabot sa 2,300 talampakan ang lipad ng helicopter bago ito umikot.

Sinabi pa ng NTSB na ilalabas na nila ang final report mula 12 o 18 na buwan.