-- Advertisements --

Inilunsad na ng Batangas Provincial Tourism Office ang helicopter tour sa ibabaw ng Taal Volcano.

Ang nasabing “heli-tour” ay kasama sa package na naglalaman ng land tour at lake cruise.

Aabot sa 15 minuto ang lake cruise papunta sa Lake Point Manakah na nasa bayan ng Mataasnakahoy at dito tanaw ang kilalang bulkan.

Kada taon kasi ay aabot sa mahigit 3,000 pilgrims ang pumapasyal sa lugar.

Nagkakahalaga ang tour package mula P3,000 hanggang P10,000.