Kapwa positive vibes sa unang araw ng bagong taon ang first time mommies sa showbiz na sina Angeline Quinto at Teresita Sen o Winwyn Marquez.
Sa panig ni Winwyn, pambungad nito ngayong January 1 ang gender reveal party kung saan babae ang magiging first baby nito sa non showbiz boyfriend.
Sa kanilang video, may hawak sila na itim na lobo kung saan lumabas ang kulay pink na usok at confetti nang putukin ng 29-year-old actress/beauty queen.
Una nang nilinaw ng anak nina Alma Moreno at Joey Marquez na naghintay lamang siya ng tamang panahon bago ianunsyo sa publiko na siya ay buntis lalo’t “very private person” ang kasintahan.
Ang first ever Pinay Reina Hispanoamericana noong 2017, ay pamangkin ni 1979 Miss International Melanie Marquez at ex-girlfriend ng actor/dancer na si Mark Herras.
Samantala sa unang pagkakataon, isinapubliko ni Angeline Quinto ang lumalaki nang baby bump nito.
Kasabay ng New Year 2022, nag-post ng larawan ang 32-year-old singer/actress na tila maternity photoshoot kung saan nakahawak din sa kanyang tyan ang kamay ng non showbiz boyfriend.
Nakasuot siya ng kulay green na isa umano sa lucky color sa Year of the Water Tiger.
Noong nakaraang buwan nang aminin ni Angeline sa King of Talk na si Boy Abunda na siya ay buntis ngunit sikreto ang pangalan ng ama dahil mayroon na rin itong anak sa ibang babae.
Kung maaalala, isa si Quinto sa mga artista na deboto ng Poong Nazareno kung saan may pagkakataon pa na sumampa siya mismo sa andas noong may prusisyon pa taong 2018.