-- Advertisements --

Napilitang tumigil ng isang araw na operasyon ang Hello Kitty theme park sa Japan matapos na makatanggap ng “terror threath”.

Ang Sanrio Puroland o kilala bilang ‘Hello Kitty Land’ ay matatagpuan sa Tama New Town sa north Tokyo.

Ayon sa operator na binigyan nilang prioridad ang kaligtasan ng kanilang mga kliyente kaya minabuting pansamantalang itigil ang operasyon.

Agad silang nakipagtulungan sa mga kapulisan at walang nakitang anumang kahina-hinala ang mga ito ay pinayagan na buksan ang kanilang operasyon.