-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang security escort sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Jamsel Lapaz Gatabon alyas pansit, 35 anyos, may asawa, helper ng RMJ Agri Supply at residente ng Barangay FortPikit, Pikit North Cotabato.

Ayon kay Pikit chief of police, Captain Mautin Pangandigan na papauwi na ang biktima kasama ang kanyang amo ng bigla silang abangan ng mga hindi kilalang suspek.

Tangka sanang kunin ng mga suspek ang malaking halagang pera na dala ng amo ng biktima ngunit nanlaban ito kaya pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ang biktima habang nakatakbo ang kanyang amo.

Agad dinala sa Cruzado Medical Hospital sa Pikit si Gatabon ngunit inilipat ito sa isang pagamutan sa Kidapawan City at doon na binawian ng buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Pikit-Municipal Police Station (MPS) sa pamamaril patay sa biktima.