-- Advertisements --

Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang Helpline 16677 na siyang maaring tumawag ang publiko para sa anumang katanungan o isyu na may kinalaman sa Enhanced Community Quarantine at General Community Quarantine o yung tinatawag na “new normal”.

Ayon Kay PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa, inilunsad nila ang Helpline 16677 sa pakikipagtulungan ng PLDT para magkaroon ng “quick response mechanism” sa mga reklamo o katanungan ng mga apektado ng ECQ at GCQ.

Ayon naman kay PNP Spokesperson BGen Bernard Banac, ang PNP Directorate for Operations – PNP Command Center (DO-PCC) ang magsisilbing “communication hub” para sa lahat ng ECQ and GCQ concerns.

Bukod ito sa kanilang pang-araw-araw na monitoring ng police operations at paguulat ng updates sa mga law enforcement activities ng iba’t ibang Unit ng PNP.

Sinabi ni Banac, nag-donate ang PLDT, ng 52 mobile phones na may load, 30 pocket Wi-Fi, 100 na tig-P300.00 prepaid cards, Enterprise SMS Messaging Suite, at linya ng PNP Helpline 16677.

Sa ngayon nakumpleto na ng Directorate for Operations (DO) ang buong set-up para sa PNP Helpline 16677 sa loob ng buwang kasalukuyan.

Tiniyak ni Gen. Gamboa na available 24/7 ang PNP Helpline 16677 para magbigay ng tulong sa publiko.