-- Advertisements --
Bumagal at patuloy ang paghina ng bagyong Henry habang tinatahak nito ang direksyo ng west northwestward ng karagaratan ng bansa.
Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa 345 kilometer ng East Northeast ng Itbayat, Batanes.
May taglay ito ng hangin ng 150 kph at pagbugso ng 185 kph.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa mga lugar ng Babuyan Islands at northeaster ng mainland Cagayan.
Inaasahan na tuluyang makakalabas sa Phlippine Area of Responsibility ang bagyong Henry sa gabi ng Sabado o Linggo ng umaga Setyembre 4.
Patuloy ang pagbibigay babala ng PAGASA na nakataas pa rin ang gail warning kaya mahigpit na pinagbabawal ang paglalayag sa karagatan.