ROXAS CITY – Ni-relieve sa puwesto ang isang chief of police at apat pang kapulisan sa Capiz dahil sa pagiging malapit umano sa isang kandidato na tumatakbo para sa May 13 midterm elections.
Ito ang kinumpirma mismo ni Capiz Police Provincial Office Director Police Colonel Canilo Fuentes sa panayam ng Bombo Radyo Roxas.
Kabilang sa mga sinibak ay sina Police Captain Wilfredo Venus, Jr., hepe ng Dumarao Municipal Police Station; at apat na iba pang pawang miyembro ng Dumarao-Philippine National Police (PNP).
Base sa naging direktiba ng Police Regional Office-6, ililipat si Police Captain Venus sa Buruanga, Aklan, habang sa Negros Occidental naman ang magiging assignment ng apat na iba pa.
Ang direktiba ay bilang pagsunod sa mandato ng PNP na maging “apolitical” sa May 13 midterm elections.