Ibinalik sa puwesto matapos na masibak si Police Colonel Elmer Ragay ang hepe ng Anti-Kidnapping Group (AKG).
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo na nakasaad sa Section 9, Rule IV ng Commission on Elections (COMELEC) Resolution 11059 na ipinagbabawal ang paglipat o pagtanggal sa isang pulis tuwing election period.
Nilinaw nito na hindi tinanggal sa AKG si Ragay at sa halip ay administratively ni-relieved ito habang iniimbestigahan ang pagdukot sa isang estudyanteng Chinese.
Ikinonsulta nila ang nasabing pagkakatanggal sa puwesto ni Ragay sa COMELEC at ito naman ay sakop ng nasabing resolution.
Natitiyak ni Fajardo na hindi maapektuhan ang imbestigasyon sa muling pagbabalik sa puwesto ni Ragay dahil mayroon ibang PNP unit ang humahawak ng kaso.
Magugunitang pinalaya umano ang biktimang estudyante matapos na makapagbayadito ng ransom na nagkakahalaga ng $1-Milyon na binayaran ng hindi na pinangalanang negosyante.