GENERAL SANTOS CITY – Mahigit na sa P4-milyon ang utang ng General Santos City Police Office sa South Cotabato Electric Cooperative (SOCOTECO II).
Ayon kay City PNP Director P/Col. Gilberto Tuzon, na binalaan ito ng Camp Krame na kung hindi mabayaran ang nasabing utang patalsikin ito sa puwesto.
Nagkukumahog naman ito at nagpatulong sa Sanggunian Panglungsod at inilahad ang pakay para matulungan sa pagbayad sa nasabing utang.
Sinabi din nito na ginagamit na nito ang MOOE para ipangbayad sa bill ng kuryente na iilang taon na rin na hindi nabayaran.
Dagdag pa nito na dahil sa laki ng kanyang problema nagpatulong na ito kay City Councilor Edmar Yumang , chairman ng Peace and Order ng Konseho para iparating kay Gensan Mayor Ronnel Rivera ang nasabing pagkautang.
Nalaman na hindi lamang bayarin sa kuryente pati na rin sa tubig ang hindi rin nabayaran.