KORONADAL CITY – Ni-relieve sa pwesto ang chief of police ng Lambayong Municipal Police Station sa lalawigan ng Sultan Kudarat na si PMajor Jenahmeel Toñacao at lahat ng mga tauhan nito na sangkot sa nangyaring armed confrontation na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong binatilyo.
Sa inilabas na statement ni ni Sultan Kudarat police director Colonel Christopher Bermudez, ginawa ang nasabing hakbang upang bigyang daan ang isang impartial investigation sa pagkasawi ng tatlo sa isang checkpoint operation.
Iginiit din ni Bermudez na hindi sila nagpapabaya bagkus ay nakatutok sa kaso.
Ipinasiguro din ng opisyal na mananatiling objective at patas ang PNP sa ginagawa nilang imbestigasyon.
Samantala, nagpahayag naman ng kahandaan ang Commission on Human Rigths na tumulong sa pamilya ng mga nasawing sina Arshad Ansa, Horton Ansa Jr at Samanode Ali na pawang residente ng Lambayong, Sultan Kudarat.
Ayon kay Atty, Keysie Gomez, nakipag-ugnayan na sila sa kaanak ng mga nasawi at tutulong sila sa pamamagitan ng pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa pangyayari.
Hangad din umano nila lumabas ang katotohanan at maibigay ang hustisya na hinihiling ng pamilya nga mga nasawi.
Samantala, maging ang Sangguniang Bayan ng Lambayong sa pamumuno ni Vice Mayor Eric Recinto ay nagsagawa na rin ng legislative inquiry sa nangyari.