GENERAL SANTOS CITY – Nakaamba ang pagpatalsik sa pwesto kay Col. Edilberto Tuzon, OIC City PNP Director ng Gensan City Police Office kung hindi mabayaran ang P4.9M na bill ng kuryente.
Itoy matapos pinaalalahan ni Police Regional Office 12 Director B/G John Michael Dubria na kung hindi mabayaran ang nasabing pagkakautang palitan ito sa pwesto.
Sinabi din ni Tuzon na hindi sapat ang P90,000 na buwanang alokasyon na MOOE mula sa Cam Crame para bayaran ang nasabing bill.
Matatandaan nagpatulong ang opisyal ng Pulisya sa Sanggunian Panglungsod para malutas ang nasabing problema.
Humarap ito sa mga Konsehal para malutas ang nasabing problema at nagpatulong na rin sa Mayor nitong lungsod para mabayaran ang nasabing electric bill. .
Aminado naman si City Councilor Franklin Gacal Jr na maaring hindi kakayanin ng LGU na bayaran lahat ang mahigit sa P4M bill ng kuryente ng Gensan City Police Office .
Tiniyak naman ng Konsehal na naghahanap ng pundo ang city government para dito .