-- Advertisements --

Binaril-patay ng di pa kilalang gunman ang hepe ng Registry of Deeds Region 9 nitong umaga ng Byernes sa harap mismo ng kanyang tanggapan sa Pettit Baracks, Zone IV, Zamboanga City.

Kinilala ang biktima na si Atty. Villarin Jayvee Baguinda.

Ayon sa inisyal na report, pinagbabaril ang biktima ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem suspect na naka facemask at walang suot na helmet.

Sa pahayag ni PLT. Col Paul Andrew Cortes, Deputy City Director ng Zamboanga City Police Station Office, tinambangan umano ng dalawang suspek ang pagdating ng biktima sa nasabing lugar.

Nabatid na nakuhanan pa ng CCTV footage ang insidente at nahagip din ang pagtakas ng isang Suzuki Raider na kulay itim at asul na may plakang 951, papuntang Brgy. Sta. Catalina matapos ang pamamaril.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa likod ng pamamaril sa biktima.

Hinihikayat din ang sinumang may impormasyon na lumapit sa pulisya upang makatulong sa imbesitgasyon.