-- Advertisements --

DIPOLOG CITY – Sinibak sa puwesto ang station commander ng Zamboanga City Police Station 7 matapos kumalat ang isang video sa social media na kinasangkutan ng isa nitong tauhan na pulis.

Ayun kay PBGen. Jesus Cambay Jr, regional director ng Police Regional Office (PRO)-9, ang pagtanggal sa puwesto kay PMaj. Jivertson Pelovello ay parte ng procedure ng pulisya para maging patas ang imbetigasyon sa naturang insidente.

Dagdag pa nito, makikita sa video na naging marahas o hindi tama ang paraan ng pag-aresto ng naturang pulis sa isang sibilyan kahit lumalabas na hindi naman ito pumapalag.

Sinuguro naman ng opisyal na magiging patas sila sa gagawing imbestigasyon pati na sa pamamaraan ng pag-aresto at hindi kinukunsinti ang mga police officer na gumawa nang hindi naaayon sa operational procedure ng PNP.