-- Advertisements --

(Update) Aminado ang aktor at dating Quezon City mayor na si Herbert Bautista na mali ang kanyang naging hakbang sa muling pag-ungkat sa “nakaraan” nila ni Kris Aquino.

Ito’y sa gitna ng kanyang senatorial bid, habang engaged na ang dating presidential sister kay dating Interior Sec. Mel Sarmiento.

Burado na ang naturang “sorry” post ng 53-year-old actor politician pero mabilis din ang ilang netizen sa pag-screenshot nito.

Herbert apologize

Una nang pinatutsadahan ng kinikilala bilang “Queen of All Media” si Herbert dahil naaapektuhan na aniya ang kanyang “very soon” to be husband.

Tahasan nitong pinayuhan ang dating kasintahan na isapubliko na lamang ang kasalukuyang estado ng love life nito at huwag ang kanilang natapos nang love story.

Nagpahayag kasi ng panghihinayang si Bistek sa napalampas na pagkakataon na mag-propose sa isang hindi na tinukoy na pangalan, bagay na hindi naman pinalampas ni Sarmiento.

Para sa 59-anyos na si Sarmiento, si Kris ang pinapatungkulan na isa aniyang pagiging “ungentleman.”

Sa burado na ring post ni Bistek, sinasabing may mga hashtag pa na #KungMaibabalikKoLang at #TOTGA o nangangahulugang the one that got away.

Ayon sa 50-year-old TV host/actress, noong Mayo pa nito ibinigay ang birthday/goodbye gift letter para kay Bautista upang maging malinaw na panahon na para sa kanilang “me after you” version.