Binawi ni Health Secretary Ted Herbosa ang unang pahayag na “under the weather” o iba ang pakiramdam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahilan na nagsuot ito ng “face mask” sa isinagawang sektoral meeting kaninang umaga sa Palasyo ng Malakanyang.
Sa panibagong pahayag sinabi ni Herbosa na walang sakit ang Presidente.
Simula nuong nakaraang linggo at kahapon sunud-sunod ang naging mga aktibidad ng presidente sa kabila ng masamang lagay na panahon.
Kahapon sa event ng Pangulo sa Makita batid na nag-iiba ang boses nito kahit pa naging emusyunal ito dahil marami pa rin mga bata ang biktima ng online sex exploitation.
” I was with the president the whole day as he conducted two meetings in the morning. I only saw him wear a face mask after the meeting and in a casual conversation with one of the secretaries after the meeting. I also saw him later in two other meetings where he delivered a speech and conducted a meeting without use of a face mask. We should not be hastily concluding any diagnosis for anyone who wants to wear a face mask. From my perspective as a Physician, the president performed all his duties today and is well and not “under the weather” as earlier surmised,” paglilinaw ni Sec. Herbosa.