-- Advertisements --
Posibleng sa 2022 pa makakamit ng bansa ang herd immunity laban sa COVID-19.
Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na sa unang quarter ng 2022 ito madarama kapag hindi dumating sa itinakdang panahon ang mga bakuna.
Ang herd immunity ay mararamdaman kapag mayroong sapat na miyembro ng populasyon ang immune na sa sakit para hindi na kumalat pa ang nasabing virus.
Nangangailangan ang bansa ng 140 milyon doses ng bakuna para maabot ang herd immunity at mabakunahan ang nasa 70 milyon katao sa bansa.
Aabot na sa 4.025 milyon na COVID-19 shot ang natanggap na ng bansa at mahigit 1.8 milyon na mga Filipino ang naturukan na ng COVID-19 vaccine.