BUTUAN CITY – Posibleng ma-abot ng Butuan City ang herd immunity o population protection nito laban sa COVID-19 bago matatapos ang kasalukuyang taon.
Ito ang pinangako ni Michiko De Jesus, tagapagsalita ng Butuan City-LGU sa panayam ng Bombo Radyo Butuan, lalo na kung dadami pa ang magpapabakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay de Jesus, bago sasapit ang 2022 ay maaabot na ng lungsod ang 70% ng target population laban sa virus kung patuloy na maniniwala ang mamamayan sa mga bakunang available ngayon na ginamit na ng karamihan.
Dagdag pa ng opisyal, nasa 35 porsyento na ng 70% target population o 264,000 na mga Butuanons na ang fully vaccinated na mula ng simulan ang pamamakuna sa unang kwarter nitong taon.
Umaasa ang lokal na pamahalaan na marami pa ang magpapabakuna sa lalo na’t marami-rami ng mga bakuna ang dumating nitong lungsod.
Ang mga magpapaakuna ay magpunta lang sa mga vaccination posts at magdala ng ID at kahit na anumang patunay na residente ito nitong lungsod.