Patay na ang kinilalang bayani na daga na tagsinghot ng landmines sa Cambodia, ito ay si Magawa na ipinanganak noong Nobyembre 2013 sa Sokoine University of Agriculture sa Tanzinia kung saan natuto itong maghanap ng mga explosive devices gamit ang kanyang pambihirang pang-amoy. Matapos ang tatlong taon inilipat ito sa Siem Reap sa Cambodia kung saan nagsimula ang kanyang karera. Ang african giant pouched rat ay nakahanap na ng mahigit sa isandaang landmines at explosives sa loob ng mahigit 225,000 square meters na kalupaan sa Cambodia na kung saan ay dekada nang pinoproblema dahil sa mapanganib ito dahil sa mga unexploded devices.
Si Magawa na kung saan ay nagretiro na ng Hunyo nakaraang taon, ay nakaramdam ng panghihina, palagi nalang natutulog, walang ng ganang kumain nitong mga huling linggo at kinumpirmang namatay nitong Enero 11 ng APOPO isang non-profit na organisasyon na nagtetrain ng mga daga upang magligtas ng maraming buhay.
Si magawa na kung tawagin ay hero rat ay nanalo na ng gintong medalya mula sa british veterinary charity the people’s dispensary for sick animals taong 2020.
Napag-alaman na ang cambodia ay isa sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming landmines dala ng civil war deka-dekada na ang nakalipas na kung saan ay nasa 1000 sq km (386 sq miles) ang kontaminado pa rin hanggang sa ngayon. Ngunit dahil sa tulong ng mga daga , gaya ni Magawa ay hindi gaanong mapanganib ang mga tao sa pag dis arma at pagtanggal ng mga explosive devices.