Dumepensa si opposition member of the Sri Lankan Parliament Namal Rajapaksa sa sinabi ni Prime Minister Ranil Wickremesinghe na hindi nito batid ang inilabas na babala patungkol sa posibleng pagpapasabog sa ilang gusali sa Sri Lanka.
Ito ay kasunod ng hiwa-hiwalay na pagsabog na naganap sa bansa noong Linggo na naging sanhi ng pagkamatay ng 290 katao.
Ayon dito, gumagawa lamang umano si Wickremesinghe ng dahilan upang isisi sa pinuno ng armed forces ang hindi agarang pag-aksyon sa trahedya.
Nagdeklara naman ng nationwide state of emergency si Sri Lankan President Maithripala Sirisena at nagbigay na rin ito ng war-time powers sa mga otoridad upang arestuhin at ikulong ang mga hinihinalang suspek.
Magpapadala naman ang International criminal police organisation o Interpol ng mga imbestigador upang tumulong sa mga otoridad na imbestigahan ang nangyaring pagsabog.