-- Advertisements --
Napatay ang nasa 9 na katao kabilang ang Hezbollah commander sa inilunsad na strike ng Israel sa Damascus, Syria nitong Linggo.
Kabilang sa 9 na nasawi ay ang 4 na sibilyan, isang babae at 3 bata na pawang mga Syrian national at 5 iba pa.
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, tinamaan ng Israel ang isang apartment na pagmamay-ari ng Hezbollah sa may Sayyida Zeinab area sa timog ng Damascus.
Ito ay sa gitna ng pinaigting pa na strikes ng Israel sa Syria simula ng sumiklab ang all-out war sa Hezbollah sa Lebanon noong Setyembre 23.