-- Advertisements --

Kinumpirma ng Israel Defense Forces na kanilang napatay si Hezbollah commander Ibrahim Aqil sa isinagawa nilang airstrike.

Sinabi ni IDF Daniel Hagari, na target talaga nila sa nasabing air strike si Aqil sa siyam na nasawi.

Aabot rin sa halos 60 katao ang nasugatan sa insidente na ang mga ito ay itinakbo na sa mga pagamutan.

Hindi rin ikinaila ni Hagari na nagpalipad din ng airstrike ang Hezbollah na aabot sa 140 rockets mula sa Lebanon kung saan ang mga iba nito ay kanilang naharang.