-- Advertisements --
Idineklara ng Hezbollah na sila ay nagtagumpay matapos ang pagtugon ng Israel sa ceasefire.
Ayon kay Hezbollah secretary general Naim Qassem na ito ay maituturing na ‘divine victory’ matapos ang ilang buwan na cross-border attacks at pakikipaglaban sa Israel.
Ito rin ay mas malaki kaysa noong 2006 ng makipaglaban ang Hezbollah sa Israel sa loob ng 34 araw.
Pagtitiyak niya na magiging mataas ang pagbabantay dito ng mga sundalo ng Lebanon para maipatupad ang nasabing kasunduan.