-- Advertisements --

Inako ng grupong Hezbollah ang drone attack sa bahay ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa Caesrrea sa northern Israel.

Sinabi ni Mohammad Afif ang namumuno sa media office ng Hezbollah, na isa lamang itong pagpapakita sa galit ng mga Hezbollah.

Dagdag pa nito na kung hindi man sila nagtagumpay ay kanilang titiyakin sa mga susunod na araw na tatamaan na nila si Netanyahu.

Magugunitang isa sa tatlong drones na inilunsad sa Lebanon ang tumama sa bahay ni Netanyahu subalit wala ang opisyal doon.

Wala ring naitalang nasaktan o nasawi sa nasabing insidente.