-- Advertisements --

Kinumpirma na ng Hezbollah militant group na napatay ng Israel ang isa sa mga lider nila na si Hashem Safieddine.

Si Safieddine ay siya sanang papalit sa nasawing lider nila na si Hassan Nasrallah.

Natuntun ng Israel Defense Forces ang kuta ni Safieddine sa underground intelligence headquarters ng Hezbollah sa Beirut.

Hindi pa binabanggit ng Hezbollah kung sino ang susunod na lider na papalit sa napaslang na si Safieddine.