-- Advertisements --

Nagbanta si Lebanese militia Hezbollah leader Hassan Nasrallah na igaganti nila ang pagkasawi ng kanilang deputy leader Saleh al-Arouri.

Ang nasabing talumpati ni Nasrallah ay ilang araw matapos na masawi sa pagsabog sa Beirut si al-Arouri dahil sa ginawang airstrike ng Israel Defense Forces.

Binalaan nito ang Israel ng mas mabigat ng giyera dahil sa pagkasawi ng kanilang deputy leader.

Una ng sinabi ng Israel na kanilang target ang mga Hezbollah na nakisawsaw sa giyera nila laban sa Hamas.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang United Nations peacekeeping forces sa Lebanon na dahil sa insidente ay magkakaroon ng pagtaas ng tensiyon.

Itinuturing kasi na terrorist organization ng US at ilang mga bansa ang Hezbollah na ito ay sinusuportahan ng Iran at ang malakas na puwersa nito ay nasa Lebanon.