-- Advertisements --

Nakahanap na ang Hezbollah ng bagong lider matapos na mapatay si Hassan Nasrallah.

Ayon sa Senior Council ng Hezbollah na napili nila si Naim Qassem bilang bagong secretary-general.

Paliwanag ng Hezbollah na ang ginawang pagpili ay dumaan sa proseso ng pagpili ng tamang mamumuno.

Tiniyak ni Qassaem na magiging tapat ito bilang Islam at tutugon sa prinsipyo ng Hezbollah.

Pangalawang nasa puwesto dati si Qassem kung saan noong nakaraang buwan ay nanawagan ito sa Israel na tanggapin na lamang ang ceasefire sa Lebanon kung ayaw nilang makaranas ng pananakit.