-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Israel na kanilang napatay ang media chief ng Hezbollah na si Mohammad Afif.

Ayon sa Israel Defense Forces (IDF) kasamang napatay ito sa airstrike sa Ras Al Nabaa.

Sa nasabing air strike ay nadamay din ang ilang gusali na ikinasugat ng mga tao na pansamantalang nanunuluyan sa lugar.

Si Afif ay kilalang Hezbollah personnel kung saan naging matagal siyang adviser ni Hezbollah leader Hassan Nasrallah na napatay din noon pang Setyembre.

Base sa pagtaya ng Hezbollah na aabot na sa mahigit 3,500 na mga katao ang napatay ng Israel sa Lebanon mula ng magpalitan ng putok ang Hezbollah at Israel.