-- Advertisements --
Israel Map
Israel Map

Nagpaulan ng anti-tank rockets ang mga Lebanese Shia Muslim militant group na Hezbollah sa northern Israel.

Ang nasabing hakbang ay bilang pagganti sa naganap na drone attack ng Israel sa Beirut noong nakaraang Linggo.

Tinarget nila ang Israeli army base at military vehicles.

Gumanti naman ang Israeli army sa pamamagitan ng pag-atake sa southern Lebanon.