-- Advertisements --

Nagbabala ang Hezbollah militant group na madadamay ang Cyprus kapag lumala ang giyera sa pagitan ng Israel at Lebanon.

Sinabi ni Hassan Nasrallah ang lider ng Hezbollah group, na hindi sila magdadalawang isip na idamay ang Cyprus kung ipapagamit nito sa Israel ang kanilang mga paliparan at bases.

Ang Cyrpus ay miyembro ng European Union na matatagpuan sa Mediterranean sea at may layong nasa 200 kilometro mula sa Lebanon.

Mula pa noong 2014 ay nagsagawa na ang Cyprus at Israel ng mga military exercises.

Patuloy ang pagtaas ng tensyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah mula pa noong Oktubre 7 ng paigtingin ng Israeli Defense Forces ang kanilang military operations sa Gaza.