-- Advertisements --
Nais ng Lebanese group na Hezbollah na tuluyang umalis ang mga sundalo ng Israel sa kanilang bansa.
Ito kasi aniya ang laman ng ceasefire na napagkasunduan ng dalawang panig noon pang Nobyembre.
Ang nasabing kasunduan ay pinamunuan ng US at France para tuluyang matapos ang ilang taon na kaguluhan.
Nakasaad sa kasunduan na dapat noong Lunes pa ay natapos na ang 60-araw na period na pag-alis ng mga sundalo ng Israel mula sa Lebanon ganun din ang pag-alis ng mga puwersa ng Hezbollah.
Giit naman ni Israeli government spokesmen David Mencer na may mga hakbang na silang ginawa subalit paglilinaw niya na hindi ito basta ginagawa ng mabilisanat kailangan ng ilang mga panahon.