-- Advertisements --

Tiniyak ng Hezbollah militant group na kanilang papanagutin ang Israel.

Kasunod ito sa pagsabog ng mga pager na kanilang gamit na ikinasawi ng siyam nilang miyembro at ikinasugat ng maraming iba pa.

Mula pa kasi noong dekada 90 ay hindi na gumagamit ng cellphone ang mga Hezbollah dahil sa pangambang pagmonitor sa kanila ng Israel.

Minabuti nilang gumamit na lamang ng pager para makakuha ng mga mensahe.

Naniniwala ang Hezbollah na gumamit ng kakaibang software ang Israel para ito ay mapasabog.

Maging ang Lebanon ay sinisi ang Israel sa nasabing pangyayari at tiniyak ang pagganti.

Hindi pa nagbibigay ng impormasyon o pag-ako ang Israel ukol sa insidente.