-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Sumuko sa 23rd Infantry Battalion, Philippine Army ilalim sa operational control ng 402nd Infantry Brigade, 4th Infantry Division sa Brgy. Bancasi, nitong lukngsod ng Butuan, ang isang high ranking Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) terrorist leader kasama ang siyam niyang mga tauhan.

Nakilala ang mga sumuko na sina Lino Atipan Namatidong alyas Kumander Dahon, ang commanding officer ng Headquarters Force (HQF) Neo.

Kasama sa kanyang pagsuko ang kanyang asawang si Reyna Nanganlag Namatidong alyas Meray at Snooky, Regional Staff for Education and Propaganda; Nestor Panhayan Namatidong alyas Labni at Jono; Ronie Namatidong Polistico alyas Ka Allan; Lyka Namulanta Lagaolao alyas Ka Jelly; Besto Tumanan alyas Ka Lagbas; Gay-gaya Tumanan alyas Ka Longhair; Ronald Abalang Dungogan alyas Ka Onad; Angleo Lomakin Pal-ot alyas Ka Selda at Jerry Pinatubas Inantag alyas Ka CJ.

Ayon kay 23rd IB Commanding Officer Lt. Col. Jeffrey Balingao, ang mga surrenderees ay mga tauhan ng Headquarters Force NEO, Regional Sentro De Gravidad COMPAQ at Sub-Regional Committee 1 (SRC1) ng North Central Mindanao Regional Committee.

Bitbit sa kanilang pagsuko ang dalawang M16 Rifles, tatlong shotguns, usa ka AK47 rifle, dalawang M203 grenade launchers at tig-iisang carbine rifle at garand rifle.

Dagdag pa ni LtCol. Balingao, inihayag umano ng mag-asawa na kinilalang high-value individuals, na ang mababang morale, kawalan ng direksyon sa kanilang pinaghirapan at ang sobrang pagod ang nag-udyok sa kanilang talikuran ang ilang taon nilang pakikibaka at bumalik na sa pamahalaan.