-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Mas pinaigting pa ng Philippine Army ang kanilang isinasagawang mga operasyon kasunod ng pagkakadiskubre ng pinagkukutaan ng terrorist group na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.

Batay sa impormasyon ng 6th Infantry Division Philippine Army, nakita ng mga sundalo ng 2nd Mechanized Infantry Battalion ang hideout ng BIFF habang nagsasagawa ang mga ito ng combat clearing operation sa bahagi ng Sitio Talpok, Barangay Salman, Ampatuan.

Narekober sa naturang lugar ang tatlong 3 anti-personnel mines, mga gamit sa paggawa ng mga bomba, at radyo.

Tiniyak naman ni Joint Task Force Central at 6th Infantry “Kampilan” Division Commander Maj. Gen. Juvymax Uy na magpapatuloy pa rin ang kanilang mga operasyon upang masugpo ang mga teroristang naghahasik ng karahasan sa kanilang nasasakupan.