BUTUAN CITY – Isang taong bibigyan ng tribute ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga City ang kanilang pride na pambato sa 2020 Tokyo Olympics na si Hidilyn Diaz, sakaling makauwi na ito sa kanilang lungsod.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan direkta mula sa Zamboanga City, inihayag ni City Councilor Elbert ‘Bong’ Atilano na minsan ay naging coach din ni Hidilyn, na ang delay na pag-uwi ni Hidilyn dahi sa mga health protocols ay magbibigay sa kanila ng karagdagang oras upang mas makapaghanda para sa ibibigay nilang tribute sa kanya.
Ayon kay Konsehal Atilano, dahil makokonsidera ng bagong bayani ng bansa ang weightlifter ay plano nilang maglagay ng mga flaglets sa bawat-bahay at mga sakyanan sa kanilang lungsod bilang pagsaludo kay Hidilyn kungsaan isang taon nila itong hindi tatanggalin.
Ipinaliwanag pa ni Konsehal Atilano na ito ang kanilang napagdesisyunan dahil noon pa man ay kanila ng ini-instill sa isipan ni Hidilyn na uunahin ang diwa ng nasyunalismo at patriyutismo sa kabila ng pagkawatak-watak ng mga opisyal ng ating bansa at mga mamamayan.