-- Advertisements --

Napilitang mag-evacuate mula sa kanilang tinutuluyan ang bagong kasal na si Olympic gold medalist Hidilyn Diaza at Julius Naranjo matapos ang pagtama ng magnitude 7 na lindol sa Baguio.

Sa kaniyang social media ay ibinahagi ni Diaz ang paglabas nilang mag-asawa mula sa Baguio Country Club.

Tumakbo palabas si Naranjo ng nakapaa lamang kasama si Diaz para maghanap ng ligtas na lugar.

Magugunitang ikinasal ang dalawa nitong Hulyo 26 o isang araw bago tumama ang magnitude 7 na lindol sa Abra at ibang bahagi ng Luzon.