-- Advertisements --

Dadaluhan ng mga kilalang atleta ng bansa ang pagbubukas ng 2023 Batang Pinoy at Philippine National Games sa araw ng Linggo sa Ninoy Aquino Stadium sa lungsod ng Maynila.

Pangungunahan ito nina 2020 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz at bronze medalist Eumir Marcial na kapwa sumabak noon sa Batang Pinoy at Philippine National Games.

Makakasama nila sina Pinoy gymnast at Olympian Carlos Yulo at kapatid nitong si Karl Eldrew na nagwagi ng 12 gold at dalawang silver medals noong 2018 at 2019 edisyon ng Batang Pinoy.

Kabilang din na dadalo ay sina tennis sensation Alex Eala, 2023 Asian Para Games gold medalist Jarrold Mangaliwan, para swimmer Angel Mae Otom at bowling legend Philippine Sports Commissioner Olivia Bong Coo.

Ipinagmalaki ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann dahil sa pumayag ang nasabing mga kilalang atleta na makadalo sa opening ceremony ng nasabing torneo.

Dagdag pa nito na ang kanilang pagdalo ay magbibigay ng inspirasyon sa mga batang atleta na kalahok sa nasabing torneo.