Natapos na ang muling pagsabak sa Olympics ni Tokyo weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz.
Ito ay matapos na talunin siya ng kapwa Pinay weightlifter Elreen Ando sa 59 kg. event ng 2024 IWF World Cup sa Thailand para tuluyang makapasok sa Paris Olympics.
Mayroong kabuuang total lift ng 228 kgs. si Ando una ay mula sa 100 kg.snatch at 128 kgs. sa clean and jerk.
Habang si Diaz ay may kabuuang 99kgs. sa snatch subalit hindi na ito nakabuhat sa ikalawa at ikatlong attempts sa clean and jerks na mayroong kabuuang 222kgs.
Bago kasi ang torneo ay nasa pang walong puwesto si Diaz sa Olympic Qualification Ranking na may 224 kgs habang si Ando ay nasa pang 11 puwesto na mayroong 222kgs.
Si Ando na ang pinakahuling atleta na bansa na sasabak sa Olympics na makakasama sina EJ Obiena, Carlos Yulo, Aleah Finnegan, Eumir Marcial, Nesthy Petecio, Aira Villegas, at kapwa weightlifters John Ceniza at Rosegie Ramos.