-- Advertisements --

Desidido pa rin si Pinay weighlifter Hidilyn Diaz na makakuha ng gintong medalya sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.

Ito na kasi ang pang-apat na beses na lumahok si Hidilyn sa Olympics.

Sinabi nito na hindi lamang para sa kaniyang sarili ang pagkuha ng gintong medalya kung hindi karagalan ng b uong bansa.

Magugunitang nakakuha ng silver medal si Diaz sa nagdaang Rio Olympics 2016.

Nagsimula itong sumabak sa Olympics noong 2008 sa Beijing.

Aminado ito na nasa isip na rin ng 29-anyos na weightlifter na magretiro na .