-- Advertisements --

Magpapatuloy pa rin sa pagbubuhat si Hidilyn Diaz kahit na bigo siyang makasama sa Paris Olympics.

Ang 33-anyos kasi na si Diaz ay tinalo ng kapwa Pinoy na si Elreen Ando sa 59 kg. class sa Thailand.

Mula pa noong 2008 ay sumali na si Diaz sa Olympics subalit sinabi nito ay hindi pa niya tiyak kung makakasali pa siya sa 2028 Olympics sa Los Angeles kung saan ang edad na nito ay 37-anyos na.

Dagdag pa nito na ipagpapatuloy niya ang knaiyang nasimulan kung saan siya ay magsasanay sa mga atleta ng bansa.

Plano din nitong magpatayo ng sariling sports academy sa mga susunod na taon.