-- Advertisements --

Pangungunahan ni Tokyo Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang 13-member weightlifting team na sasabak sa Vietnam Southeast Asian (SEA) Games.

Makakasama nito sina Fernando Agad Jr ng men’s 55 kg, Rowel Garcia ng men’s 61 kgs, Nestor Colonia ng men’s 67 kg, Lemon Denmark Tarro ng men’s 73 kgs, John Kevin Padullo ng men’s 89kg, John Dexter Tabique ng men’s +89kg , Mary Flor Diaz ng women’s 45kg, Rosegie Ramos ng women’s 49kg , Margaret Colonia ng women’s 59kg, Elreen Ann Ando (women’s 64kg), Vanessa Sarno (women’s 71kg) at Kristel Macrohon (women’s +71kg).

Sasamahan sila ng mga coaches na sina Gregorio Colonia, Gary Hortelano, Nicolas Jaluag at Patric Lee.

Inilabas ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas ang pinal na listahan matapos ang pagsasagawa ng mga serye ng qualifying tournaments sa Zamboanga City, Cebu City at sa Muntinlupa City.

Sa nasabing 13 na mga weightlifters ay anim sa mga dito ay nakakuha na ng medalya noong 2019 SEA Games na ginanap sa bansa.

Target ng Pilipinas na ma-improve ang performance nito sa weightlifting kung saan nasa pangatlong puwesto sila na ang nangunguna ay Vietnam at sinundan ng Indonesia.

Gaganapin ang weightlifting competition sa Mayo 19 hanggang 22.