-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ni Filipino Olympic gold medalist at weightlifter Hidilyn Diaz ang kaniyang pagtatapos sa kolehiyo.

Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng larawan ng naka-toga matapos ang pagtatapos sa Del La Salle- College of Saint Benilde.

Natapos nito ang kaniyang kursong business management mula sa NCAA member school.

Naging emosyonal ang caption ito dahil sa umabot ng 16 taon ang kaniyang inabot para makapagtapos kung saan nagpalit ito ng kurso, lumipat pa ng paaralan at lumiban pa dahil sa hindi niya makayanan ang pag-aaral sa weightlfiting.

Hindi ito makapaniwala sa kaniyang bagong accomplishment at sa huli ay pinasalamatan nito ang kaniyang kaanak at mga kaibigan na nagtiwala sa kaniya na kaya niyang magtapos sa pag-aaral.