BACOLOD CITY – Matapang na nilalabanan ni Olympic silver medalist Hidilyn Diaz ang coronavirus pandemic habang nasa Malaysia.
Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Diaz, sinabi niyang hirap siya noong una sa pagbili ng pagkain dahil hindi niya kabisado ang mga pupuntahan at takot din na lumabas kaya sa online na siya ngayon bumibili ng kanyang mga kailangan.
”Aaminin ko noong una talagang nakakatakot, hindi ko na alam kung ano ang gagawin, paano next. Pero na survive naman, still living for our dreams sa Olympics and nag te-training parin”
Handa din siyang magtipid para mapagkasya ang 50% na monthly allowance lalo pa at nasa ibang bansa siya ngunit labis parin siyang nag papasalamat sa Philippine Sports Commission (PSC) dahil hindi parin sila pinababayaan kaya hindi umano siya susuko sa training bilang isa sa National Athletes ng bansa.
” Kaming mga athleta nagtitiis kami hindi kami nag gi-give up. Mahirap yong sitwasyon pero we still continue, still doig our best in training or in life” saad ni Diaz.
Dagdag pa ni Diaz na sa kabila ng kalagayan niya sa Malaysia ay masaya naman siyang nakapag raise ng funds para sa mga walang makaing kababayan dito sa Pilipinas dulot ng Covid-19 Pandemic.