-- Advertisements --

Nagbahagi nang maiksi ngunit makabuluhang reaksyon ang kauna-unahang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz matapos na makasungkit si Carlos Yulo ng gintong medalya sa Paris Olympics 2024. 

Nasungkit ni Yulo ang gintong medalya sa floor exercise gymnastics at nakapagtala nang nakamamanghang 15.00 iskor si Yulo na may 6.600 difficulty at 8.400 sa execution upang maiuwi ang gintong medalya sa Pilipinas. 

Sa post ni Diaz, na naka-tag si Yulo, sinabi nito na: “Yehey! May Olympic Gold tayo.”

Parehong ibinandera nina Diaz at Yulo ang bansa sa maraming international events, isa na rito ang nakaraang Tokyo Games kung saan binasag ni Diaz ang mga rekord upang maging kampeon sa women’s 55kg division.

Gayunpaman, sa pagkakataong ito, tiniyak ni Yulo na hindi mawawala ang gintong medalya para sa Pilipinas.