Nakasungkit ng dalawang bronze medal ang 2016 Pinay Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz sa 55-kilogram category sa ginaganap na 2019 World Championships sa Eastern National Sports Training Center sa Pattaya, Thailand, kagabi.
Mistulang nakabawi sa kanyang performance si Hidlyn, 28, lalo na at mga bigatin ang kanyang mga nakalaban.
Ang puwesto sa gold medal at silver medal ay kapwa nasungkit ng dalawang Chinese athletes.
Noong unang pagbuhat ni Diaz sa pinakamabigat na 93 kilograms ay nabigo siya, hanggang sa ikalawang pagtatangka.
Buti na lamang nagawa niyang maitaas ang final try sa do-or die matchup kontra sa pambato mula sa bansang Kazakhstan.
Sa kabuuan nabuhat ni Diaz ang 121 sa clean and jerk upang masiguro ang bronze.
Gayunman hindi umubra ang kanyang tiyansa sa gold nang magrehistro lamang siya sa ikawalo sa nagawang lift na 93 kilogram.
Sa darating na SEA Games sa Pilipinas simula sa Nobyembre target na makuha ni Hidilyn ang silver medal at gold para makabalik siya sa Olympics na gaganapin naman sa susunod na taon sa Tokyo, Japan.
Sa kanyang Twitter post todo pasalamat si Diaz sa mga nagbigay suporta sa kanya.
Hidilyn Diaz OLY @diaz_hidilyn
“It is a privilege given by God to represent my beloved country, Philippines in a prestigious competition at the IWF World Championship 2019. Thank you @PSC for the support given to the whole Philippine Weightlifting team.”