Nagpaabot ng pagbati at suporta ang kauna-unahang Olympic gold medalist ng Pilipinas na si Hidilyn Diaz sa 22 mga manlalaro ng bansa para sa 2024 Paris Olympics.
Sa kanyang post, sinabi ng Filipino weightlifter na suportado niya ang mga manlalaro ng Pilipinas at hangad nito ang tagumpay para sa bansa.
Kasabay ng kanyang pahayag ng suporta, ang 33-taong-gulang ng Zamboanga City pride ay nag-post ng collage photo ng 22 Filipino Olympians, na magpapakitang-gilas sa biggest sporting event.
Si Diaz ang kauna-unahang nakasungkit ng gintong medalya para sa Pilipinas sa Tokyo Olympics kung saan nanalo ang atleta sa women’s 55 kg category.
Sa kanyang pang-apat na Olympics, nabuhat nya ang combined weight na 224 kg at dahil dito na-break nya ang Olympic record.