-- Advertisements --

Nagpa-abot ng kaniyang pagbati si 1st Filipina olympic gold medalist Hidilyn Diaz kay Carlos Yulo matapos manalo ng gintong medalya sa Paris 2024 Olympics.

Sa isang post sinabi ni Hidilyn proud siya sa nakamit ni Yulo na panalo na isang malaking karangalan para sa bansa.

Payo naman ni Hidilyn na i-enjoy nito ang bunga ng kaniyang pinagpaguran.

“Para sa iyo Caloy, proud ako sa iyo. I enjoy mo ang bunga ng pinagpaguran mo. At lagi mong ibabalik – sa Diyos at bayan, dahil lahat ng tagumpay natin ay hindi pansarili,” pahayag ni Hidilyn.

Si Yulo ay gumawa ng kasaysayan matapos manalo ng gold para sa artistic gymnastics men’s floor exercise final.

Si Hidilyn ang kauna-unahang Pinoy na nagdala ng gintong medalya sa Pilipinas.